Posts

Showing posts from 2019

Ang Krusada: Sanhi, Epekto, at Mahahalagang Aral sa Kasaysayan

Image
Ang Krusada: Sanhi, Epekto, at Mahahalagang Aral sa Kasaysayan      Ang libu-libong sundalo at peregrino mula Europa na naglakbay patungong Banal na Lupain, dala ang krus sa kanilang dibdib na naglalakbay ng libu-libong kilometro, taglay ang matinding pananalig at pag-asa na mabawi ang mga sagradong lugar. Ito ang simula ng tinaguriang Krusada – isang serye ng mga digmaang panrelihiyon at pampolitika na naganap mula 1096 hanggang ika-13 siglo . M ahalaga ang talakayang ito dahil ipinapakita ng Krusada ang ugnayan ng relihiyon, politika, at ekonomiya sa Gitnang Panahon. Halos lahat ng aspeto ng buhay-medieval ay naapektuhan – mula sa Simbahan at pamahalaan hanggang sa kalakalan at pang-araw-araw na pamumuhay.  Ipinakita ng nito kung paano nagkakaugnay ang pananampalataya at kapangyarihan, at kung paano nabago ng digmaan ang takbo ng kasaysayan ng daigdig.  Sa blog na ito, layon nating ipaliwanag ang mga sanhi ng Krusada at ang mga naging epekto nito sa Europa at...

Mga Imperyong umusbong sa India: Imperyong Maurya, Gupta at Mughal

Image
Alexander the Great IMPERYONG MAURYA Noong 600 BCE, ang Indus Valley ay napasakamay ng mga Persianong nagmula sa Fertile Crescent.  Ang Indus Valley, bagamat ay nasakop ng mga Persiano, ay hinayaan na pamunuan ang kanilang sarili kapalit ng pagbabayad ng taunang buwis sa mga Persiano Gayunpaman, noong 326 BCE, ang mga lupain sa Hilagang Silangan ng Indus Valley ito ay napasakamay ni Alexander the Great ng Macedonia makalipas nitong masakop ang Sinaunang Kabihasnan ng Persia. Imperyong Maurya Sa pagkamatay ni Alexander the Great, ang kanyang Imperyo ay agarang bumagsak kung kaya't nagawang makawala ng mgataga-Indus Valley sa kamay ng mga Griyego at Macedonian.   Kapalit ng mga Macedonian, ang kapangyarihan ay nailipat sa mga kamay ni Chandragupta Maurya at kanyang itinatag ang Mauryan Empire o ang Imperyong Maurya.  Chandragupta Maurya Mga nagawa ni Chandragupta Maurya Pinalakas ang Hukbo upang makontrol ang mga teritoryo nito ...