Posts

Showing posts from 2019

Ano ang Demand? Kahulugan at Salik ng Demand

  Konsepto at mga Salik na Nakaaapekto sa Demand Ang lahat ng tao ay mayroong hinahangad, materyal o di-materyal. Masarap na pagkain, magandang tirahan, mga mamahalin at magagandang damit ngunit ang kagustuhang ito ng isang tao na matugunan ang kanyang pangangailangan at makapagkamit ng kasiyahan ay hindi sapat sapagkat ito ay dapat naaayon at nasasabay sa kanyang kakayahang bumili.  Ano ang Konsepto ng Demand? Ang demand ay tumutukoy sa kakayahan at pagnanais ng isang indibidwal na bumili ng isang produkto o serbisyo sa isang takdang presyo at espisipikong panahon. Napakalaki ng impluwensya ng presyo o halaga ng isang kalakal o commodity sa pagtukoy ng demand ng isang tao. Upang lubusan itong maunawaan, ang isang binata na nagnanais bumili ng bagong release na Iphone 11 Pro Max ay hindi agad nangangahulugan na siya ay mayroong demand sa produktong ito sapagkat kinakailangan na magkaroon siya ng pera o kakayahan na bilhin ang nasabing produkto.  Tandaan na ang konsy...

Mga Imperyong umusbong sa India: Imperyong Maurya, Gupta at Mughal

Image
Alexander the Great IMPERYONG MAURYA Noong 600 BCE, ang Indus Valley ay napasakamay ng mga Persianong nagmula sa Fertile Crescent.  Ang Indus Valley, bagamat ay nasakop ng mga Persiano, ay hinayaan na pamunuan ang kanilang sarili kapalit ng pagbabayad ng taunang buwis sa mga Persiano Gayunpaman, noong 326 BCE, ang mga lupain sa Hilagang Silangan ng Indus Valley ito ay napasakamay ni Alexander the Great ng Macedonia makalipas nitong masakop ang Sinaunang Kabihasnan ng Persia. Imperyong Maurya Sa pagkamatay ni Alexander the Great, ang kanyang Imperyo ay agarang bumagsak kung kaya't nagawang makawala ng mgataga-Indus Valley sa kamay ng mga Griyego at Macedonian.   Kapalit ng mga Macedonian, ang kapangyarihan ay nailipat sa mga kamay ni Chandragupta Maurya at kanyang itinatag ang Mauryan Empire o ang Imperyong Maurya.  Chandragupta Maurya Mga nagawa ni Chandragupta Maurya Pinalakas ang Hukbo upang makontrol ang mga teritoryo nito ...