Posts

Ano ang Demand? Kahulugan at Salik ng Demand

  Konsepto at mga Salik na Nakaaapekto sa Demand Ang lahat ng tao ay mayroong hinahangad, materyal o di-materyal. Masarap na pagkain, magandang tirahan, mga mamahalin at magagandang damit ngunit ang kagustuhang ito ng isang tao na matugunan ang kanyang pangangailangan at makapagkamit ng kasiyahan ay hindi sapat sapagkat ito ay dapat naaayon at nasasabay sa kanyang kakayahang bumili.  Ano ang Konsepto ng Demand? Ang demand ay tumutukoy sa kakayahan at pagnanais ng isang indibidwal na bumili ng isang produkto o serbisyo sa isang takdang presyo at espisipikong panahon. Napakalaki ng impluwensya ng presyo o halaga ng isang kalakal o commodity sa pagtukoy ng demand ng isang tao. Upang lubusan itong maunawaan, ang isang binata na nagnanais bumili ng bagong release na Iphone 11 Pro Max ay hindi agad nangangahulugan na siya ay mayroong demand sa produktong ito sapagkat kinakailangan na magkaroon siya ng pera o kakayahan na bilhin ang nasabing produkto.  Tandaan na ang konsy...

Alokasyon: Iba't-ibang Sistemang Pang-ekonomiya

  Iba’t-ibang Sistemang Pang-Ekonomiya Ang bawat bansa ay mayroong sariling paraan upang matugunan ang pangunahing suliranin ng ekonomiks na kakulangan ng likas na yaman kaya naman nararapat na magkaroon ang mga ito ng pinaiiral na sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa sariling ekonomiya ng bansa. Ang sistemang pang-ekonomiya ay sumasaklaw sa mga mekanismo, istruktura at institusyon na ginagamit at pinaiiral sa pagsasagawa ng gawaing pamproduksyon at maging matagumpay, pantay at makatarungan ang pagsasakatuparan ng alokasyon.    Mga Sistemang Pang-Ekonomiya  Sistemang Pamilihan o Market Economy Ang mga pribadong tao o indibidwal ang may malaking gampanin sa ganitong uri ng sistemang pang-ekonomiya sapagkat ito ay naaayon sa doktrina ni Adam Smith na Laissez Faire o “leave alone” policy kung saan ang pamahalaan ay walang kontrol sa pagpapasya at pagpapatakbo ng ekonomiya ng bansa at tanging pagsisiguro lamang na napangangalagaan ang karapatan ng dalawang panig ...

Pagkonsumo at mga Salik na Nakapaapekto rito

  Pagkonsumo at mga Salik na Nakapaapekto rito Ang pagkonsumo ay isa sa pinakamahalagang gawaing pang-ekonomiya na ginagampanan ng lahat ng indibidwal sa mundo upang matugunan ang kanilang pangangailangan at upang mabuhay at magkaroon ng kasiyahan. Ito ay ang paggamit ng mga produkto o pagtanggap ng serbisyong matagumpay na nalikha ng proseso ng produksyon.  Ang mga tao na gumagamit ng mga produkto at nakikinabang sa mga serbisyong ito ay tinatawag nating konsyumer. Sa oras na mapagtanto ng isang indibidwal na siya ay nangangailangan ng isang produkto at serbisyo—at siya ay bumili, gumamit at umubos nito ay maituturing na siyang konsyumer. Ang proseso ng pagkonsumong ito ay nagaganap sa sistemang market o pamilihan.  Sinasabing napakahalaga ng gawaing pang-ekonomiya na ito sapagkat mawawalan ng saysay o halaga ang lahat ng produkto at serbisyo na nalikha sa proseso ng produksyon kung wala ang mga konsyumer na tatangkilik, bibili o gagamit sa mga ito. Mula rito, mahihinuha...

Ang mga Salik ng Produksyon

  Ang mga Salik ng Produksyon Ang proseso ng produksyon ang maituturing na isa sa pinakamahalagang aktibidad o gawaing pang-ekonomiya sapagkat ito ang lumilikha ng serbisyo at produkto na kinakailangan upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao. Mayroong apat na salik na kinakailangan upang matagumpay na maisagawa ang proseso ng produksyon. Una ay ang kapital; Ikalawa ay ang Lakas-Paggawa; Ikatlo ay ang Lupa; at ang panghuli ay ang Kakayahang Pang-entreprenyur. Kinakailangang tandaan na ang anumang pagbabago sa halaga ng mga produksyon na ito ay mayroon ding direktang epekto sa halaga ng produkto o serbisyo pagdating nito sa pamilihan.  Kapital Ang kapital bilang isa sa mga salik ng produksyon ay tumutukoy sa mga  kagamitan o equipment at mga makinarya na kinakailangan upang mabuo ang isang produkto o maisagawa ang isang serbisyo. Ha l. Ang mga upuan, lamesa, blackboard, chalk at iba pa na kinakailangan upang maisakatuparan ang serbisyong pang-edukasyon. Lupa Tinutu...