Ang Krusada: Sanhi, Epekto, at Mahahalagang Aral sa Kasaysayan

Ang Krusada: Sanhi, Epekto, at Mahahalagang Aral sa Kasaysayan Ang libu-libong sundalo at peregrino mula Europa na naglakbay patungong Banal na Lupain, dala ang krus sa kanilang dibdib na naglalakbay ng libu-libong kilometro, taglay ang matinding pananalig at pag-asa na mabawi ang mga sagradong lugar. Ito ang simula ng tinaguriang Krusada – isang serye ng mga digmaang panrelihiyon at pampolitika na naganap mula 1096 hanggang ika-13 siglo . M ahalaga ang talakayang ito dahil ipinapakita ng Krusada ang ugnayan ng relihiyon, politika, at ekonomiya sa Gitnang Panahon. Halos lahat ng aspeto ng buhay-medieval ay naapektuhan – mula sa Simbahan at pamahalaan hanggang sa kalakalan at pang-araw-araw na pamumuhay. Ipinakita ng nito kung paano nagkakaugnay ang pananampalataya at kapangyarihan, at kung paano nabago ng digmaan ang takbo ng kasaysayan ng daigdig. Sa blog na ito, layon nating ipaliwanag ang mga sanhi ng Krusada at ang mga naging epekto nito sa Europa at...