Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya: Ang Market Flow
Paikot na Daloy ng Ekonomiya Hindi gaya ng pag-aaral ng gawi o daloy ng lipunan, madaling mailarawan ang kaganapan sa buong ekonomiya sa pamamagitan ng paikot na daloy ng mga produkto at serbisyo. Makatutulong sa gawaing ito ang konsepto ng circular flow ni Francois Quesnay batay sa kanyang Tableau Economique. Sa isang payak na pananaw, makikita ang daloy ng mga produkto at serbisyo sa sa pagitan ng sambahayan, pamilihan at bahay-kalakal. Tignan ang mga modelo ng daloy ng ekonomiya sa ibaba: Paikot na Daloy ng Produkto at Serbisyo Pinakikita sa daloy na ito na magiging balanse ng ekonomiya dahil sa interaksyon ng dalawang sektor—ang sambahayan at ang bahay kalakal. Makikita na ang mga salik ng produksyon na kinakailangan ng bahay kalakal ay nakukuha mula sa sambahayan. Kailangan ito ng bahay kalakal upang makalikha ng mga yaring produkto na siya ring kinokonsumo ng sambahayan. Paikot na Daloy ng Salapi Pinakikita naman dito ang dalawang daloy sa pagitan ng sambahayan ...