Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya: Ang Market Flow

  Paikot na Daloy ng Ekonomiya Hindi gaya ng pag-aaral ng gawi o daloy ng lipunan, madaling mailarawan ang kaganapan sa buong ekonomiya sa pamamagitan ng paikot na daloy ng mga produkto at serbisyo. Makatutulong sa gawaing ito ang konsepto ng circular flow ni Francois Quesnay batay sa kanyang Tableau Economique. Sa isang payak na pananaw, makikita ang daloy ng mga produkto at serbisyo sa sa pagitan ng sambahayan, pamilihan at bahay-kalakal. Tignan ang mga modelo ng daloy ng ekonomiya sa ibaba: Paikot na Daloy ng Produkto at Serbisyo Pinakikita sa daloy na ito na magiging balanse ng ekonomiya dahil sa interaksyon ng dalawang sektor—ang sambahayan at ang bahay kalakal. Makikita na ang mga salik ng produksyon na kinakailangan ng bahay kalakal ay nakukuha mula sa sambahayan. Kailangan ito ng bahay kalakal upang makalikha ng mga yaring produkto na siya ring kinokonsumo ng sambahayan.  Paikot na Daloy ng Salapi Pinakikita naman dito ang dalawang daloy sa pagitan ng sambahayan ...

Pambansang Kita: Paano ikompyut ang GNP at GDP?

 Pamamaraan at Kahalagahan ng Pagsukat ng Pambansang Kita

Napakadalas marinig sa mga namumuno sa bansa ang pangako ng kaunlaran at ito rin ang bukang-bibig maging ng mga tumatakbo sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno ngunit sa paanong paraan ba natin malalaman kung ang pangakong ito ay natutupad o naisakatutuparan ng pamahalaan?

Ang pagtaas ng pambansang kita ay nangangahulugan ng kaunlaran ng bansa kaya naman madalas na ginagawang palataan ng pamahalaan ng kaunlaran ang iba’t ibang economic indicators tulad ng Gross National Product o Gross National Income, Gross Domestic Product, Per Capita Income at iba pa upang malaman kung mayroon bang nagaganap na paglago sa ekonomiya. Isa-isahin natin ang bawat indicators na ito. 

Gross National Product (GNP) o Gross National Income (GNI)

  Ito ang ginagamit na panukat upang malaman ang kabuuang kita o halaga ng mga produkto at serbisyo na nalikha ng mga Pilipino mula sa loob at labas ng bansa. Tandaan na sa pagtukoy ng GNP o ang halaga ng produkto at serbisyo na umiiral sa pamilihan na tapos na at hindi na dapat iproseso upang maging yaring produkto o final goods lamang ang isinasama sa pagkukwenta ng GNP tulad g damit, delata, asukal at tinapay. Hindi na isinasama ang mga Intermediate Goods o ang mga produkto na kinakailangan pang iproseso upang maging yaring produkto gaya ng tubo, harina at mga sariwang isda na gagawing sardinas. Ito ay upang maiwasan ang double counting sa GNP. 

Ang GNP o GNI ay mayroong iba’t ibang uri:

  1. Nominal at Real GNP 














Ang pagsukat ng paglago ng Nominal at Real GNP ay ginagamitan ng pormula sa ibaba:

  GNP2012 – GNP2011

GNP Growth Rate = ---------------------------- X 100

GNP2012

Tignan ang halimbawa:

TAON

HALAGA

2008

7,291,748

2009

15,305,728

2010

15,392,047

2011

16,730,583

2012

17,407,305


          GNP2012 – GNP2011

GNP Growth Rate = ---------------------------- X 100

GNP2012


        = 17,407,305 – 16,730,583

----------------------------------- X 100

            16,730,583


          =             676,722

----------------------------------- X 100

  16,730,583

          = 0.040 X 100

      GNP Growth Rate       = 4.04 




  1. Potential at Actual GNP

Ang Potential GNP ay tumutukoy sa inaasahang kabuuang produksyon ng isang bansa batay sa kakayahan at kapasidad nito. Ang kapasidad na ito ay binabatay rin sa mga pinagkukunang yaman na mayroon ang bansa, bilang ng manggagawa, oras ng trabaho ng mga manggagawa, makinarya at teknolohiya. Samantala ang Actual GNP naman ay tumutukoy sa aktwal na kabuuang halaga ng produksyon na nalikha ng isang bansa matapos gamitin ang iba’t ibang salik na mayroon ito. 


Sa pagtatapos ng taon, sinusukat ang Potential at Actual GNP ng isang bansa upang matukoy kung naging episyente ba ang paggamit ng mga salik. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbawas ng Actual GNP sa Potential GNP. Ito ay mayroong dalawang maaaring resulta:


Mas mataas ang Potential GNP kaysa Actual GNP

Negative Gap

Hindi lubusang nalinang at napakinabangan ang mga salik ng produksyon.

Mas mataas ang Actual GNP kaysa Potential GNP

Postive Gap

Lubusang nalinang at napakinabangan ang mga salik ng produksyon.


Dalawang Paraan ng Pagkukwenta ng GNP/GNI

  1. Final Expenditure Approach

Inaalam sa paraan na ito ang mga gastusing ng bawat sektor mula sa pagbili ng kanilang mga pangangailangan.


GP

Gastusin ng Personal na Sektor

Gastos na nakalaaan sa mga pangunahing pangangailangan at paggastos sa serbisyo tulad ng abogado, doktor at mekaniko.

GG

Gastusin ng Gobyerno

Gastusin ng pamahalaan na may kaugnayan sa lahat ng paglilingkod na pinaglalaanan ng budget.

GK

Gastusin ng Kumpanya

Gastusin ng kumpanya tulad ng pagpapasahod, at pagpapatayo ng gusali at makinarya at iba pang fixed capital.

X

Gastusin sa Panlabas na Sektor

Ibinabawas ang gastos sa exports (EX) sa gastos sa import (IM).

IM

Gastusin sa Import

Kabuuang gastos sap ag-aangkat

NPIA

Net Primary Income from Abroad

Mga kita ng OFWs matapos ibawas ang kita mga dayuhan sa loob ng bansa.

SD

Statistical Discrepancy

Dahil sa dami ng produkti at serbisyo ng isang bansa, di maiiwasan ang pagkakaroon ng labis o kulang sa pagkukwenta.


Tignan ang kompyutasyon ng Final Expenditure Approach gamit ang haypotetikal na datos sa ibaba:

GP

P 186 milyon

GG

P 158 milyon

GK

P 132 milyon

EX

P 21 milyon

IM

P 32 milyon

NPIA

P 109 milyon

SD

P 2 milyon

GNP

P 576 milyon


186 + 158 + 132 + (21 – 32) + 109 + 2 = 576 

GNP = P 576 Milyon







  1. Factor Income Approach 

Ang approach na ito ay nagtatangkang kompyutin ang Pambansang Kita o National Income ng isang bansa o ang kabuuang kita ng mga manggagawa, gobyerno, entreprenyur at korporasyon o kumpanya.


KG

Kita ng Gobyerno

Kasama rito ang mga ibinabayad na buwis, interes sa pautang at mga kita ng mga korporasyon at negosyo na pagmamay-ari ng gobyerno.

KEA

Kita ng Entreprenyur at Aria-arian

Kabilang dito ang mga kita ng entreprenyur bilang salik ng produksyon at maging ang kanyang ari-arian na ginagamit. 

KEM

Kita ng Empleyado at Manggagawa

Sahod at benepisyo ng mga manggagawa at empleyado.

KK

Kita ng Kumpanya

Kita ng korporasyon o kumpanya mula sanilikhang produkto at serbisyo. 


Tignan ang kompyutasyon ng Factor Income Approach gamit ang haypotetikal na datos sa ibaba:

KG

P 187 milyon

KEA

P 45 milyon

KEM

P 188 milyon

KK

P 177 milyon

NI

P 597 milyon

187 + 46 + 188 + 177 = 597 

NI= 597 Milyon

Per Capita Income 

Mula sa National Income o Pambansang Kita na nakompyut sa itaas ibinabatay ang Per Capita Income ng isang bansa. Ang PCI ay tumutukoy sa ipinapalagay na kita ng bawat mamamayan kung pantay-pantay na naipamahagi ang GNP ng isang bansa sa kabuuang populasyon nito. Sa madaling salita, ito ang inaasahang kita na dapat ay natatamo ng bawat mamamayan ngunit sa reyalidad ay hindi ito nagaganap sapagkat kahit pa maiulat na ang PCI ng Pilipinas ay 46,500 php ay hindi naman ito ang katotohanang nagaganap. Makokompyut ang PCI gamit ang pormula sa ibaba:

National Income

PCI = --------------------------

    Populasyon 


Halimbawa: 

National Income (2018) = P 7,048,992,000

Populasyon (2018)        = 93,291,000


                      National Income

PCI = --------------------------

    Populasyon

 

7,048,992,000 

PCI = --------------------------

    93,291,000


PCI = P 75. 66 


Kahalagahan ng Pagsusukat ng Pambansang Kita

Mahalaga ang gawain ng mga ekonomista ng pamahalaan ang pagsusukat at pagkokompyut ng pambansang kita ng isang bansa sa loob ng isang taon sa dahil sa mga sumusunod na dahilan: 


  1. Ang GNP at GDP ang ginagamit na batayan ng gobyerno upang bumuo o isaayos ang polisiyang pang-ekonomiya na umiiral sa bansa.


  1. Batayan ito upang matukoy ang sektor na dapat bigyang-pansin.

  2. Nakatutulong sa mga mangangalakal o negosyante upang malinang ang mga salik ng produksyon na mayroon sila tungo sa mas maayos na pagpapatakbo ng kanilang negosyo.


Mga Sanggunian


Balitao, B. R., Buising, M. D., Garcia, E. D. J., De Guzman, A. D., Lumibao, J. L., Mateo, A. P., & Mondejar, I. J. (2015). Ekonomiks 10: Modyul Para sa Mag-aaral (Unang Edisyon ed.). Vibal Group Inc.


Bon, C. B., & Bon, R. R. (2015). Ekonomiks sa Makabagong Panahon. Jo-Es Publishing House.


Egipto, M. D. G., Villoria, L. B., & Ibanez, C. M. (2015). Pagtanaw at Pag-unawa. Diwa Learning System.


Imperial, C. M., Antonio, E. D., Dallo, E. M., Samson, M. C. B., & Soriano, C. D. (2015). KAYAMANAN: Ekonomiks. Rex Bookstore.


Imperial, C. M., Antonio, E. D., Samson, M. B., Dallo, E. M., & Soriano, C. D. (1999). Pagbabago (Unang Edisyon ed.). Rex Bookstore.


Comments

Popular posts from this blog

Mga Imperyong umusbong sa India: Imperyong Maurya, Gupta at Mughal

Scientific Revolution (Rebolusyong Siyentipiko): Bagong Kaalaman na Nagpabago sa Mundo

Ang Krusada: Sanhi, Epekto, at Mahahalagang Aral sa Kasaysayan