Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya: Ang Market Flow

  Paikot na Daloy ng Ekonomiya Hindi gaya ng pag-aaral ng gawi o daloy ng lipunan, madaling mailarawan ang kaganapan sa buong ekonomiya sa pamamagitan ng paikot na daloy ng mga produkto at serbisyo. Makatutulong sa gawaing ito ang konsepto ng circular flow ni Francois Quesnay batay sa kanyang Tableau Economique. Sa isang payak na pananaw, makikita ang daloy ng mga produkto at serbisyo sa sa pagitan ng sambahayan, pamilihan at bahay-kalakal. Tignan ang mga modelo ng daloy ng ekonomiya sa ibaba: Paikot na Daloy ng Produkto at Serbisyo Pinakikita sa daloy na ito na magiging balanse ng ekonomiya dahil sa interaksyon ng dalawang sektor—ang sambahayan at ang bahay kalakal. Makikita na ang mga salik ng produksyon na kinakailangan ng bahay kalakal ay nakukuha mula sa sambahayan. Kailangan ito ng bahay kalakal upang makalikha ng mga yaring produkto na siya ring kinokonsumo ng sambahayan.  Paikot na Daloy ng Salapi Pinakikita naman dito ang dalawang daloy sa pagitan ng sambahayan ...

Ano ang Implasyon? Konsepto, Dahilan at Epekto sa Lipunan

 Konsepto, Dahilan, Epekto at Pagtugon sa Implasyon

Ang implasyon ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan. Makikita ang implasyon sa konteksto na ang dami ng produkto at serbisyo na iyong mabibili sa halagang P 1,000.00 noong 2005 ay hindi na katulad ng dami ng produkto na mabibili mo sa parehong halaga ngayong 2020. Sa ganitong kalagayan, mayroon mang ilang bansa na naniniwalang ito ay tanda ng pagbuti ng ekonomiya, marami pa rin ang bansa na naniniwala at itinuturing ang konsepto ng implasyon bilang isang suliraning pang-ekonomiya na kinakailangang solusyonan.

Ang ganitong suliraning pang-ekonomiya ay hindi na bago sa mundo. Sinasabing maging noong panahon ng medyibal ay naranasan na ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang hyperinflation ay naganap sa Europe noong 1920 na tinawag bilang Great Depression at maging sa Pilipinas noong panahon ng hapon.

Maaaring matukoy ang implasyon sa ekonomiya ng isang bansa sa pamamagitan ng pagkokompyut ng CPI o Consumer Price Index. Ang CPI ay isang instrumento na nagpapakita ng average ng mga presyo ng aytem na nakapaloob sa market basket of goods. Sa pamamagitan nito, naipakikita ang inflation rate ng isang bansa na siya ring magiging panukat ng kakayahan ng piso na makabili ng mga produkto at serbisyo o Purchasing Power of Peso o PPP. 

Una, kompyutin ang CPI batay sa haypotetikal na datos sa ibaba:


Kabuuang Presyo ng Kasaukuyang Taon

CPI = ------------------------------------------------------    X 100

Kabuuang Presyo ng Basehang Taon


AYTEM

2000

2018

2019

Bigas

P 20.00

P 29.00

P 31.00

Gatas

P 33.00

P 44.00

P 45.00

Mantika

P 26.00

P 34.00

P 38.00

Tinapay

P 14.00

P 22.00

P 25.00

Karne

P 140.00

P 150.00

P 155.00

Inumin

P 82.00

P 93.00

P 100.00

Itlog

P 102.00

P 178.00

P 181.00

TOTAL

P 417.00

P 550.00

P 575.00

CPI

100

131.87

137.88

Sa halimbawang ito, ang kabuuang presyo sa taong 2000 ang ginamit bilang basehang taon. 







Ikalawa, matapos makompyut ang CPI ay maaari nang makompyut ang Inflation Rate gamit ang pormula sa ibaba:



    CPI present year – CPI previous year

Inflation Rate = ------------------------------------------------------ X 100

                  CPI previous year


      137.88131.87

Inflation Rate = --------------------------- X 100

            131.87


          6.01

Inflation Rate = --------------------------- X 100

            131.87

Inflation Rate = 4.5%


Sanhi at Epekto ng Implasyon


Para sa karaniwang mamamayan, ang patuloy at mabilis na pagtaas ng presyo o implasyon ay isinisisi at iniuugnay sa pagiging epektibo ng pamamahala ng gobyerno, ngunit sa mas malalim na pagtalakay rito ay makikita na isa lamang ito sa mga maaaring dahilan o sanhi ng implasyon sa isang bansa. Narito ang ilan sa mga sanhi  at epekto ng implasyon:


SANHI

EPEKTO

a) Nagkukulang ang supply ng mga commodities sa pamilihan dahil sa pagnanais ng mga miyembro ng kartel na itago ito upang mapataas ang presyo.


b) Oil Deregulation o pagtanggal ng kontrol ng pamahalaan sa pagtatakda ng presyo ng mga produktong petrolyo.


c) Ang pagbabayad ng utang mula sa mga pandaigdigang banko tulad ng World Bank—International Monetary Fund.


d) Ang Demand Pull ay nagaganap dahil sa labis na pagdami ng pera o salapi sa sirkulasyon o money supply. Dahil sa dami ng pera na mayroon ang bawat tao ay tumataas ang konsumo ng produkto na siya namang humihila sa presyo ng mga ito pataas. 


e. Ang Cost Push ay ang dahilan ng pagtaas ng presyo dahil sa pagtaas ng mga gastusing pamproduksyon. 

a) Pang-aabuso ng mga negosyante sa mahihirap na hindi kayang tustusan ang kanilang pangangailangan dahil sa mahal ng bilihin. Kahit pa bumaba na ang halaga ng produksyon ay pinapanatili ng mga negosyante na mataas ang presyo ng kanilang produkto sa pamilihan. 


b) Mabuti ang epekto ng implasyon sa mga mangungutang lalo’t higit kung ang interes ay mas mababa kaysa kabuuang antas ng implasyon. Sa kabilang banda, negatibo naman ang epekto nito sa nagpapautang.


c) Masama rin ang epekto ng implasyon sa mga nag-iimpok sapagkat lumiliit ang halaga ng mga inimpok na pera dahil sa mas mababa ang nakukuhang interes ng pera sa bangko kaysa implasyon.




Pagtugon sa Implasyon


Ang mga sumusunod ay ang mga maaaring hakbangin na gawin at ipatupad ng pamahalaan upang bigyang kalutasan ang suliranin sa implasyon: 


  1. Pagpapatupad ng Tight Money Policy kung saan tataasan ng pamahalaan sa tulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang interes ng pagpapautang upang hindi maganyak ang mga tao na umutang.

  2. Pagpapatupad ng Reserve Requirement, layunin nitong taasan ang kinakailangang depositong pera sa bangko upang makontrol ang salapi na nasa kamay ng mga tao.

  3. Ang mga negosyante naman ay maaaring pataasin ang produksyon upang kahit hindi itaas ang presyo ng bilihin ay mabawi ang karagdagang gastos sa produksyon tulad ng sahod ng mga manggagawa. 



Mga Sanggunian


Balitao, B. R., Buising, M. D., Garcia, E. D. J., De Guzman, A. D., Lumibao, J. L., Mateo, A. P., & Mondejar, I. J. (2015). Ekonomiks 10: Modyul Para sa Mag-aaral (Unang Edisyon ed.). Vibal Group Inc.


Bon, C. B., & Bon, R. R. (2015). Ekonomiks sa Makabagong Panahon. Jo-Es Publishing House.


Egipto, M. D. G., Villoria, L. B., & Ibanez, C. M. (2015). Pagtanaw at Pag-unawa. Diwa Learning System.


Imperial, C. M., Antonio, E. D., Dallo, E. M., Samson, M. C. B., & Soriano, C. D. (2015). KAYAMANAN: Ekonomiks. Rex Bookstore.


Imperial, C. M., Antonio, E. D., Samson, M. B., Dallo, E. M., & Soriano, C. D. (1999). Pagbabago (Unang Edisyon ed.). Rex Bookstore.


Comments

Popular posts from this blog

Mga Imperyong umusbong sa India: Imperyong Maurya, Gupta at Mughal

Scientific Revolution (Rebolusyong Siyentipiko): Bagong Kaalaman na Nagpabago sa Mundo

Ang Krusada: Sanhi, Epekto, at Mahahalagang Aral sa Kasaysayan