Karapatan at Gampanin ng mga Mamimiling FIlipino
- Get link
- X
- Other Apps
Karapatan at Gampanin ng mga Mamimili
Ang konsyumer ay ang mga indibidwal na bumibili at tumatangkilik ng mga produkto o serbisyo sa pamilihan. Malaki ang papel na ginagampanan ng mamimili sa paglago ng ekonomiya ng ating bansa. kung kayat Ang mga consumer ay nararapat na magtaglay ng mga katangian ng isang matalinong mamimili:
Ngunit Bago tayo magpatuloy,maari nyong silipin ang aming mga naunang video ukol sa ekonomiks. I recommend na panoorin nyo ang aming dalawang video ukol sa demand at suplay dahil marmai kayong matututuhan dito.
Huwag nyo na ding kalimutang pindutin ang like at subscribe button. Malaki ang paitutulong nito sa ating channel.
Ang mga mamimili o buyer ang pwersa na patuloy na nagpapanatili ng masiglang pagtakbo ng ating ekonomiya sapagkat ang kagustuhan at pangangailangan ng mga ito ang ginagawang batayan ng mga prodyuser o nagbibili kung ano at gaano karaming produkto o serbisyo ang dapat ibenta sa pamilihan.
Kaya naman nararapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang kapakanan ng mga ito upang masiguro na pawang may kalidad na produkto at serbisyo lamang ang kanilang mabibili sa pamilihan
Dahil dito Ang mga mamimili ay pinagkalooban ng mga karapatan. Tara ating pag-aralan ang mga karapatan ng mga mamimili.
Karapatan ng mga Mamimili
Karapatan sa Pagpili
Ang mamimili ay may karapatan sa pagpili kaya’t makatwiran na masusi niyang suriin ang mga produkto o serbisyo na kanyang nais bibilhin
Ang karapatang ito ay maiuugnay sa kasabihang “The customer is always right”, nangangahulugan na walang kahit na sino ang maaaring magdikta sa kung ano at gaano karami ang produkto o serbisyo na dapat bilhin ng isang customer.
Bilang mamimili karapatan mo na pumili nang walang kasamang pananakot o pagbabanta, phyiscal man o online.
Karapatan sa Tamang Impormasyon
Bilang mamimili, karapatan mo na malaman ang lahat ng mahahalaga impormasyon ukol sa iyong bibilhin.
Dapat ding pawang totoo at wastong impormasyon ang iyong matanggap mula sa nagtitinda tungkol sa produkto o serbisyo na iyong bibilhin tulad ng mga sangkap at expiration date nito.
Ito ay upang maprotektahan ang mga mamimili sa mapanlinlang na advertisement ng mga produkto o serbisyo.
Karapatan na Maging Ligtas
Kaugnay ito ng karapatan sa tamang impormasyon. Nararapat na ang bawat produkto o serbisyo na nasa pamilihan ay hindi magdudulot ng kapahamakan sa mga mamimili.
Ito ang dahilan kung bakit nararapat na pagbutihin ng mga prodyuser ang paglikha ng mga de-kalidad na produkto upang kasabay ng pagtugon sa pangangailangan at pagbibigay ng kasiyahan sa mga mamimili ay pinapanatili ang kanilang kaligtasan.
Karapatan na Magkaroon ng Pangunahing Pangangailangan
Sinusubukang iwasan ng karapatan na ito ang hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng bilihin lalo na ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao. Bilang proteksyon na karapatang ito, ipinagbabawal ang hoarding o ang pagtatago ng mga produkto para mapataas ang presyo nito sa pamilihan.
Maari nyong pindutin ang link sa upper right corner upang mapanood ang aming mas masusing talakayan ukol sa hoarding.
Karapatan sa Maaayos at Malinis na Kapaligiran
Batya sa karapatang ito, nararapat lamang na panatilihin ng mga producer na malinis at kanilang mga pagawaan ng produkto upang mailayo ang kanilang mga consumer sa anumang sakit o kapahamakan.
Halimbawa, kung marumi ang pagawaan ng pagkain, maari itong magresulta sa pagkakalason ng mga bibili nito.
Karapatang Magtatag ng Organisasyon
Ang mga mamimili ay may karapatang magtayo ng smahaan upang maging kinatawan nila at maging tagapagtanggol ng kanilang karapatan.
Karapatang Madinig at Mabigyan ng Bayad-Pinsala
Sa dami ng produkto at serbisyo sa pamilihan ay hindi maiiwasan na makabili ng may depekto o makatanggap ng serbisyo na hindi nakapagbibigay ng lubusang kasiyahan.
Sa oras na may depekto o sira ang isang produkto o serbisyo maaari itong isauli ng konsyumer at palitan.
Dahil dito, lubos na ipinagbabawal ang No Return at No exchange policy ng mga tindahan maliban sa ilang piling produkto o serbisyo.
Gampanin ng Mamimili
Kakambal ng mga karapatan na binanggit ay ang mga tungkulin ng mga mamimili. tandaan natin na sa bawat karapatan, mayroon itong kakambal na tungkulin. nairto ang mga tungkulin ng mga mamimili.
Humingi ng Resibo
Mayroong dalawang dahilan kung bakit dapat humingi ng resibo ang mga mamimili. Una, makatutulong ito upang masiguro na ang supplier o prodyuser na iyong binilhan ay nagbabayad ng buwis sa pamahalaan at ikalawa, patunay ito ng iyong pagbili sa oras na ang produkto na iyong nabili ay may depekto at kinakailangang palitan.
Maging Mapagmasid at Alerto
Gaya ng sinabi sa itaas, ang mga konsyumer ay kalimitang biktima ng kapabayaan, pananamantala at pang-aabuso kaya’t tungkulin ng mga mamimili na maging mapagmasid at alerto upang agarang nilang maisumbong sa awtoridad ang mga katiwaliang kanilang masasaksihan.
Bayaran ang Produkto
Upang protektahan naman ang interes ng mga prodyuser o nagtitinda, tunkulin ng mga konsyumer na bayaran sa itinakdang presyo o halaga ang lahat ng produkto at/o serbisyo na bibilhin.
Pangangalaga sa Kapaligiran at Pinagkukunang Yaman
Parehong nasa kamay ng mga mamimili at nagbibili ang pangangalaga sa kapaligiran
Tangkilikin ang ating Sariling Produkto
Tunay na makatutulong sa pagpapasigla ng ating ekonomiya ng ang pagtangkilik sa ating sariling produkto. Ito ay magbibigay ng malaking kita sa mga lokal na nagbibili at makapagbubukas ng maraming trabaho sa mga kapwa natin Filipino.
Sana magamit ninyo ang mga aral sa video na ito sa inyong personal na pamumuhay. Marami pa tayong mga videos para sa ekonomiks kaya make sure to click the subscribe button.
As always, this is ser ian and I’ll see you on the next one.
Mga Sanggunian
Balitao, B. R., Buising, M. D., Garcia, E. D. J., De Guzman, A. D., Lumibao, J. L., Mateo, A. P., & Mondejar, I. J. (2015). Ekonomiks 10: Modyul Para sa Mag-aaral (Unang Edisyon ed.). Vibal Group Inc.
Bon, C. B., & Bon, R. R. (2015). Ekonomiks sa Makabagong Panahon. Jo-Es Publishing House.
Egipto, M. D. G., Villoria, L. B., & Ibanez, C. M. (2015). Pagtanaw at Pag-unawa. Diwa Learning System.
Imperial, C. M., Antonio, E. D., Dallo, E. M., Samson, M. C. B., & Soriano, C. D. (2015). KAYAMANAN: Ekonomiks. Rex Bookstore.
Imperial, C. M., Antonio, E. D., Samson, M. B., Dallo, E. M., & Soriano, C. D. (1999). Pagbabago (Unang Edisyon ed.). Rex Bookstore.
- Get link
- X
- Other Apps
Comments
Post a Comment