Ang Equilibrium: Interaksyon ng Demand at Suplay
- Get link
- X
- Other Apps
Interaksyon ng Demand at Suplay o Ekwilibriyo
Nagtatagpo ang mamimili o konsyumer at nagbibili o prodyuser sa pamilihan kung saan nagaganap ang kanilang interaksyon. Ang transaksyon sa pagitan ng dalawang aktor na ito ay kalimitang humahantong sa isang kasunduan. Makikita ito sa oras na nagkasundo ang mamimili at nagbibili sa pagbili ng isang produkto sa isang takdang presyo. Ang kalagayang ito ay tinatawag na ekwilibriyo—kung saan walang sinuman sa konsyumer at prodyuser ang nais gumalaw o kumilos dahil lahat ng gusto at kayang bilhin ng mamimili sa presyong itinakda ay nais at handang ipagbili ng prodyuser.
Sa madaling sabi, ang ekwilibriyo ay isang sitwasyon kung saan nagtagpo ang konsyumer (demand) at ang prodyuser (suplay)—ito ay tinatawag din na ekwilibriyo sa dami (equilibrium quantity)—sa isang takdang presyo na tinatawag namang ekwilibriyo sa presyo (equilibrium price). May magkaibang paraan upang makompyut ang Equilibrium Quantity at Equilibrium Price.
Equilibrium Price
Upang malaman ang ekwilibriyo sa presyo ay maaaring gamitin ang demand at supply functions:
Qd=Qs
Halimbawa:
Qd= 400 – 6P
Qs= -400 + 10P
Pagsamahin ang parehong dependent at independent variables ng dalawang functions.
400 + 400 = 10P + 6P
800 = 16P
P = 800 / 16
P = 50
Nangangahulugan na nagkasundo ang konsyumer at ang prodyuser na bumili at magbili sa halagang P50.00
*ang halimbawa na ito ay halaw sa aklat KAYAMANAN: Ekonomiks ni Imperial et. Al. 2015. pp. 174
2. Equilibrium Quantity
Upang malaman ang ekwilibriyo sa dami sa pamamagitan ng paghalili ng presyong P50.00 sa P ng demand at supply function.
DEMAND FUNCTION | SUPPLY FUNCTION |
Qd = 400 – 6P = 400 – 6 (50) = 400 – 300 = 100 | Qs = -400 + 10P = -400 + 10 (50) = -400 + 500 = 100 |
Mahihinuha na sa halagang P50.00 ng melon, ang konsyumer at ang prodyuser ay nagkasundo na bumili at magbili ng 100 piraso. Ang isandaang piraso ng melon ay ang ekwilibriyong dami sa pamilihan. Tignan at aralin ang iskedyul sa ibaba:
Qs | Presyo | Qd | Sitwasyon ng Ekwilibriyo |
0 | 40 | 160 | Kakulangan |
20 | 42 | 148 | Kakulangan |
50 | 45 | 130 | Kakulangan |
100 | 50 | 100 | Ekwilibriyo |
140 | 54 | 76 | Kalabisan |
200 | 60 | 40 | Kalabisan |
250 | 65 | 10 | Kalabisan |
*ang halimbawa na ito ay halaw sa aklat KAYAMANAN: Ekonomiks ni Imperial et. Al. 2015. pp. 174
Makikita sa unang tatlong halimbawa ay nananatiling mas mataas ang demand ng mamimili o ang dami ng produkto na handang bilhin kaysa dami ng produkto na handang ipagbili ang prodyuser, nangangahulugan ito ng shortage o kakulangan. Samantala ang huling tatlong halimbawa naman ay nagpapakita ng mas mataas na supply kaysa dami ng handang bilhin ng konsyumer, ito naman ay nangangahulugan ng surplus o kalabisan sa suplay. At sa punto kung saan nagkapareho ang demand at supply sa daming 100 piraso sa presyong P50.00 ay nangangahulugan ng pagtamo ng ekwilibriyo sa pamilihan.
Upang lubusang maintindihan, tignan natin ang grapikong representasyon ng ekwilibriyo ng halimbawa sa itaas:
Makikita na sa punto kung saan nagtagpo ang dalawang linya ay ang punto kung saan nagkasundo ang konsyumer at ang prodyuser. Ito ay tinatawag na Punto ng Ekwilibriyo. Ang mga punto na nasa ibaba at taas ng Punto ng Ekwilibriyo ay nagpapakita ng kawalan ng balance o disekwilibriyo.
*Larawan mula sa KAYAMANAN: Ekonomiks ni Imperial et. Al. pp. 177
Paggalaw ng Ekwilibriyo sa Pamilihan
Pagbabago ng Ekwilibriyo sa Pamilihan Sanhi ng Pagbabago ng Demand at Supply
Ang pagbabago na ito ay epekto ng pagtaas ng gastusin sa produksyon.
Pagbabago ng Demand Habang Walang Pagbabago sa Supply
Ang pagbabagong ito ay maaaring epekto ng pagbabago ng panlasa o pag-abot sa pagkasawa ng isang konsyumer sa isang produkto.
Magkasabay na Pagbabgo sa Demand at Supply
Ang sabay na pagbabagong ito ay maaaring bunga ng sabay rin pagbabago mula sa konsyumer na nakaranas ng pagbabago ng panlasa at sa prodyuser na nakaranas naman ng pagtaas ng halaga ng mga salik ng produksyon.
Mga Sanggunian
Balitao, B. R., Buising, M. D., Garcia, E. D. J., De Guzman, A. D., Lumibao, J. L., Mateo, A. P., & Mondejar, I. J. (2015). Ekonomiks 10: Modyul Para sa Mag-aaral (Unang Edisyon ed.). Vibal Group Inc.
Bon, C. B., & Bon, R. R. (2015). Ekonomiks sa Makabagong Panahon. Jo-Es Publishing House.
Egipto, M. D. G., Villoria, L. B., & Ibanez, C. M. (2015). Pagtanaw at Pag-unawa. Diwa Learning System.
Imperial, C. M., Antonio, E. D., Dallo, E. M., Samson, M. C. B., & Soriano, C. D. (2015). KAYAMANAN: Ekonomiks. Rex Bookstore.
Imperial, C. M., Antonio, E. D., Samson, M. B., Dallo, E. M., & Soriano, C. D. (1999). Pagbabago (Unang Edisyon ed.). Rex Bookstore.
- Get link
- X
- Other Apps
Comments
Post a Comment