Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya: Ang Market Flow

  Paikot na Daloy ng Ekonomiya Hindi gaya ng pag-aaral ng gawi o daloy ng lipunan, madaling mailarawan ang kaganapan sa buong ekonomiya sa pamamagitan ng paikot na daloy ng mga produkto at serbisyo. Makatutulong sa gawaing ito ang konsepto ng circular flow ni Francois Quesnay batay sa kanyang Tableau Economique. Sa isang payak na pananaw, makikita ang daloy ng mga produkto at serbisyo sa sa pagitan ng sambahayan, pamilihan at bahay-kalakal. Tignan ang mga modelo ng daloy ng ekonomiya sa ibaba: Paikot na Daloy ng Produkto at Serbisyo Pinakikita sa daloy na ito na magiging balanse ng ekonomiya dahil sa interaksyon ng dalawang sektor—ang sambahayan at ang bahay kalakal. Makikita na ang mga salik ng produksyon na kinakailangan ng bahay kalakal ay nakukuha mula sa sambahayan. Kailangan ito ng bahay kalakal upang makalikha ng mga yaring produkto na siya ring kinokonsumo ng sambahayan.  Paikot na Daloy ng Salapi Pinakikita naman dito ang dalawang daloy sa pagitan ng sambahayan ...

Ano ang Suplay at ang mga salik nito?

 Konsepto at mga Salik na Nakaaapekto sa Suplay

Kung ang konsepto ng demand ay tumatalakay sa mga konsyumer, mga prodyuser naman ang pangunahing aktor kapag suplay ang pinag-uusapan. Hindi gaya ng mga konsyumer na ang pangunahing layunin ay matugunan ang sariling pangangailangan at makapagkamit ng kasiyahan, ang paglaki ng tubo o kita naman ang siyang pokus ng mga prodyuser o supplier. Ang mga prodyuser ang may kontrol sa kung ano ang mga produkto o serbisyo na ibebenta sa pamilihan batay sa kinakailangan ng mga konsyumer. 

Ano ang Konsepto ng Suplay?

Ang konsepto ng suplay ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili sa pabago-bagong presyo sa isang takdang panahon. Gaya ng demand, malaki rin ang impluwensya ng presyo sa dami ng suplay sa merkado. Maipaliliwanag ito sa gawi ng mga tindero o supplier na mas ginaganahang magtinda ng mga produkto o serbisyo kung mataas ang presyo nito dahil sa ganitong sitwasyon, ang mataas na presyo ng isang produkto ay nangangahulugan ding mas mataas na kita na kanilang pangunahing layunin. 

Mga Salik na Nakaaapekto sa Suplay 

Ang epekto ng presyo sa dami ng handang ipagbiling produkto sa pamilihan ay hindi maitatanggi. Sa mas malawak na pagtalakay, may iba pang salik na maaaring makaapekto rito, Ito ay ang mga sumusunod:  

  1. Teknolohiya

Ang patuloy na paglago ng makabagong teknolohiya ng mundo gaya ng paggamit ng iba’t ibang makinarya sa mga pabrika ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa produksyon at distribusyon ng produkto. Nagiging mabilis ang paggawa o pagbuo ng produkto kaya naman mas dumarami ang suplay nito. 

  1. Gastos sa Produksyon

Ang taas o baba ng halaga ng gastusin na ginamit ng suplayer sa lahat ng salik ng produksyon kasama ang buwis para sa pamahalaan ay nagtatakda sa dami ng produkto na gagawin nito. Ang mababang presyo ng hilaw materyales ay magdudulot ng pagdami ng produkto na magagawa. 

Halimbawa: Ang pagtaas ng presyo ng harina, bababa ang suplay ng pandesal upang mapanatili nito ang presyo. 


  1. Dami ng Prodyuser

Ang dami ng mga negosyante na lilikha ng isang produkto o serbisyo ay nakaiimpluwensya rin sa dami ng suplay nito sa pamilihan. Ang pagdami ng suplayer o prodyuser ng isang produkto ay nakabubuti sa mga konsyumer sapagkat nagbibigay ito ng mas maraming pagpipiliang uri at presyo sa merkado.  Kabaligtaran naman ang mangyayari kung marami ang prodyuser ang aalis sa pamilihan. 

Halimbawa: Mapapansin ang pagdami ng nagtitinda ng hilaw na mangga sa palengke tuwing summer dahilan ng pagdami ng suplay nito. 


  1. Inaasahan ng mga Prodyuser

Nakaaapekto rin sa dami ng suplay kapag nagkaroon ang prodyuser ng ispekulasyon ng pagbaba ng presyo ng produkto na kanyang itinitinda. Ang gawain ng mga prodyuser na hoarding kung saan itinatago nila ang mga produkto kapag mababa ang presyo nito ay nagdudulot ng pagbaba ng suplay sa pamilihan. 

Halimbawa: Ang pagtatago ng bigas habang mababa ang presyo at muling ibebenta sa hinaharap sa oras na tumaas ang presyo nito. 


  1. Presyo ng ibang Produkto

Maiuugnay ang salik na ito sa pangunahing layunin ng mga suplayer na kumita nang malaki sapagkat mas makikitang nagaganyak ang mga tindero na magtinda ng produkto o serbisyo na may mas mataas na presyo dahil nangangahulugan ito ng mas mataas na kita. 

Halimbawa: Si Tindera A na dating nagtitinda ng hamburger ay napilitang lumipat sa pagtitinda ng lugaw sapagkat di hamak na mas malaki ang kita rito.


  1. Subsidiya mula sa Gobyerno

Upang mas ganahan at maganyak ang mga prodyuser na lumikha ng mas maraming produkto o serbisyo at mapababa nito ang halaga ng produksyon ay nakatatanggap ang mga ito ng tulong mula sa gobyerno. 

Halimbawa: Ang mga magsasaka ay nakatatanggap ng libreng pataba ng lupa. 


  1. Panahon at Klima

Marami ang suplay ng produkto kung ang klima ay naaayon sa kinakailangan upang mabuo at mapalago ang isang produkto. Halimbawa nito ay ang suplay ng strawberry at lettuce ay mataas sa lugar kung saan malamig klima. Samantala, mataas rin ang suplay ng isang produkto kung ito ay napapanahon gaya ng Mangga tuwing summer.


  1. Kalamidad

Malaki rin ang epekto ng mga kalamidad na dinaranas ng isang bansa tulad ng bagyo, lindol, at pagbaha sa dami ng produkto na masusuplay sa pamilihan dahil maaaring masira nito ang mga pinagkukunan ng hilaw na materyales upang mabuo ang isang produkto. 

Halimbawa: Matapos hagupitin ng bagyo ang Nueva Ecija at nasira ang mga sakahan, kaunti ang suplay ng bigas sa buong bansa. 



Mga Sanggunian


Balitao, B. R., Buising, M. D., Garcia, E. D. J., De Guzman, A. D., Lumibao, J. L., Mateo, A. P., & Mondejar, I. J. (2015). Ekonomiks 10: Modyul Para sa Mag-aaral (Unang Edisyon ed.). Vibal Group Inc.


Bon, C. B., & Bon, R. R. (2015). Ekonomiks sa Makabagong Panahon. Jo-Es Publishing House.


Egipto, M. D. G., Villoria, L. B., & Ibanez, C. M. (2015). Pagtanaw at Pag-unawa. Diwa Learning System.


Imperial, C. M., Antonio, E. D., Dallo, E. M., Samson, M. C. B., & Soriano, C. D. (2015). KAYAMANAN: Ekonomiks. Rex Bookstore.


Imperial, C. M., Antonio, E. D., Samson, M. B., Dallo, E. M., & Soriano, C. D. (1999). Pagbabago (Unang Edisyon ed.). Rex Bookstore.


Comments

Popular posts from this blog

Mga Imperyong umusbong sa India: Imperyong Maurya, Gupta at Mughal

Scientific Revolution (Rebolusyong Siyentipiko): Bagong Kaalaman na Nagpabago sa Mundo

Ang Krusada: Sanhi, Epekto, at Mahahalagang Aral sa Kasaysayan